ang melodiya at pitch - deped muntinlupa

12
Kagawaran ng Edukasyon Music 1 Ang Melodiya at Pitch Ikalawang Markahan- Ika-2 Linggo Catyren R. Talento Manunulat Buena C. Dela Cruz, Ed. D. Annabelle P. Delos Santos MT1 Tagasuri Wilson F. Pascual Jinky DC Santos Rogelio Cabanting Efleda F. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Upload: others

Post on 05-Oct-2021

11 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

0

Kagawaran ng Edukasyon

Music 1 Ang Melodiya at Pitch

Ikalawang Markahan- Ika-2 Linggo

Catyren R. Talento Manunulat

Buena C. Dela Cruz, Ed. D. Annabelle P. Delos Santos MT1

Tagasuri

Wilson F. Pascual Jinky DC Santos Rogelio Cabanting Efleda F. Enerlas

Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

1

Ang modyul na ito ay idinIsenyo at isinulat na

kasama ka sa isipan. Magsisilbi itong gabay upang

maipamalas mo ang pag-unawa sa mga konsepto

tungkol sa mga sumusunod na aralin.

Aralin 1: Pitch

Layunin: Natutukoy ang pitch kung mataas o

mababa.

Aralin 2: Melodic Pattern

Layunin: Nakaaawit ng may simple melodic pattern.

Aralin 3: Ang Pag-awit ng may Melodiya at

tamang Pitch

Layunin: Nakaaawit ng isang awit na mayroong

melodiya at tamang pitch tulad ng greeting songs,

counting songs at action songs.

Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mataas at mababang tunog

sa musika.

A. Form B. Melody C. Pitch

2. Alin sa mga sumusunod na instrumento ang may

mababang tunog?

A. Simbals B. Drum C. Piano

Page 3: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

2

3. Anong instrumento sa musika ang may mataas na

tunog?

A. piano B. gitara C. dru

4. Isang paraan upang makapagparinig tayo ng

_____________ay sa pamamagitan ng pag-eecho o

paggaya sa mga tunog.

A. Melodic Pattern

B. Melodic Line

C. Melodic Contour

5. Alin sa mga sumusunod ang awitin na pangbati o

greeting song?

A. Singing Bird

B. Bahay Kubo

C. Good Morning

Ano ang ibig sabihin ng Ostinato?

Ang Ostinato ay isang paksa o parirala na patuloy

na nauulit sa parehong musikal na boses, madalas

sa parehong pitch. Ang ostinato din ang ginagamit

sa awiting “Bahay Kubo” na maaari ring saliwan ng

mga instrumentong makikita sa kapaligiran.

A. Pitch. Ang Pitch ay tumutukoy sa mataas o

mababang tunog ng musika.

Page 4: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

3

Do Re Mi Fa So La Ti Do

Ang pinakamababa ang tatawagin nating do,

sumunod si re, mi, fa, so, la, ti, at ang

pinakamataas, ang mataas ng do.

Handa ka na ba?

Awitin ang mga tono sa iskala ayon sa taas ng

guhit nito.

do re mi fa so la ti do

Awitin muli upang iyong higit na makilala ang mga

tunog.

B. Simple Melodic Pattern

Isang paraan upang makapagparinig tayo ng

simple melodic pattern ay sa pamamagitan ng pag-

eecho o pag-alingawngaw sa mga tunog o tono

na ating naririnig.

Page 5: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

4

Melodic Contour

Ito ay ang hugis ng melody ng isang bahagi o

kabuuan ng awit.

Body Staff

Ito ay ginagamitan ng kamay at katawan sa

paglalarawan ng galaw ng himig.

Melodic Line

Ito ay ang paggawa ng guhit na tuwid

na may pakurbang pababa o pataas

mula kaliwa pakanan.

Line Notation

Ito naman ang putol-putol na guhit pahiga na

naayon sa tono ng isang awit. Itinatapat ito sa

bawat pantig ng awit.

C. Maaari nating awitin ang melodiya ng isang awit

na may wastong tono o pitch sa iba’t ibang paraan

at sa pamamagitan ng pag-awit ng mga simple

children’s melodies tulad ng greeting songs,

counting songs at action songs. Ilan sa mga

halimbawa nito ay ang nakasulat sa table sa ibaba.

Page 6: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

5

Greeting Songs Counting Songs Action Songs

Kumusta kayong

lahat

1 and 1 two Ako ay may

Lobo

Good morning The number

song

Paa, tuhod

Hello song Ten Little

Indians

Kung ikaw ay

masaya

Ang pag- awit ng mga greeting songs, counting

songs at action songs ay isa sa kinagigiliwan mong

gawin. Karaniwan, madali mong natututunan ang

mga ito sa pamamagitan ng madalas na pag- awit

ng may wastong tono.

A. Panuto: Masdan mo ang apat na batang ito at

tukuyin ang tono nila sa pamamagitan ng pagsagot sa

mga tanong sa susunod na pahina. Isulat ang iyong

sagot sa mga patlang.

1. Sino ang mas mababa sa kanila mi o so?

_____________

do so mi do

Page 7: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

6

2. Sino naman ang mas mataas sa kanila so o ang

mataas na do? __________

3. Sino ang sumunod sa mababang do?____________

4. Sino naman ang sumunod sa mi? ____________

5. Magkasing tunog ba ang dalawang do?

_________________.

B. Panuto: Sundan ang pagtaas at pagbaba ng

himig ng “Pan de Sal”. Gamitan mo ito ng mga guhit

pahiga sa tapat ng bawat pantig kasabay ng pag-

awit.

C. Panuto: Kumustahin ang kasama sa bahay sa

pag-awit ng Good Morning. Maaaring

mapakinggan ang awitin gamit ang link na ito

https://youtu.be/-0o79IMmAYE

Page 8: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

7

(Awitin ito sa tono ng Good morning song by Maple Leaf

Learning sa Youtube.)

https://youtu.be/-0o79IMmAYE

Ano ang masasabi mo sa iyong inawit?

___________________________________________________

___________________________________________________

1. Ang awit ay binubuo ng iba’t ibang nota o tunog

na maaaring mataas, mas mataas, mababa at

mas mababa at ito ay pitch.

2. Isang paraan upang makapagparinig tayo ng

simple melodic pattern ay sa pamamagitan ng

pag-eecho o pag-alingawngaw sa mga tunog o

tono na ating naririnig.

3. Maaari natin awitin ang melodiya ng isang awit na

may wastong tono, sa iba’t ibang paraan sa

pamamagitan ng pag-awit ng mga simple

children melodies tulad ng greeting songs,

counting songs at action songs.

Page 9: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

8

Panuto: Awitin natin ang “Tayo Na! Tayo Na!”.

Maaaring gumamit ng ano mang bagay na

nagbibigay ng tunog. Gamitin ang link sa ibaba

https://youtu.be/5SdE67101nk

A. Panuto: Pagmasdang mabuti ang galaw ng mga

nota. Pagtambalin ang nota ng melodic patterns sa

kaliwa at tamang contour shape sa kanan. Isulat

ang letra ng tamang sagot sa puwang.

https://youtu.be/5SdE67101nk

Page 10: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

9

B. Panuto: Awitin ang awiting “Paa, Tuhod, Balikat,

Ulo” ng may tamang melody o wastong tono.

Gamitin ang link na ito https://youtu.be/mNjN8VvxrFk

https://youtu.be/mNjN8VvxrFk

“Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”

Paa, tuhod, balikat, ulo

Paa, tuhod, balikat, ulo

Paa, tuhod, balikat, ulo

Pumadyak tayo at magpalakpakan

(Ulitin muli ng dalawang beses)

Pumadyak tayo at magpalakpakan

___ 1

___ 2

___ 3

___ 4

___ 5

D

E

C

B

A

Page 11: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

10

Panuto: Ipakita ang lubos na pagkatuto sa mga

isinagawang aralin sa pamamagitan ng paglalagay

ng tsek ( ) sa tamang kahon. Gamitin ang rubriks

3 - Napakahusay 2 - Mahusay

1 - Kailangan pa ng pagsasanay

Rubriks

Kaalaman 3 2 1

1. Natukoy ko ang awitin na may

mataas at mababang tono.

2. Natukoy ko ang iba’t ibang

Simple Melodic Pattern.

3. Nakaawit ako nang may

kasamang kilos.

4. Nakaawit ako ng iba’t ibang

simple children melodies tulad ng

greeting song, action song and

counting song.

5. Naipakita ko ang kasiyahan sa

gawain.

Page 12: Ang Melodiya at Pitch - DepEd Muntinlupa

11

Gawain

A.

1. mi

2. mataas na do

3. re

4. fa

5. mababa, mataas

B.

Pag-alam sa

Natutuhan

B.

1. D

2. E

3. C

4. B

5. A

Susi sa Pagwawasto

Sangunian

Music and Art Learner’s Material (Tagalog) 1

https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/k-to-12-grade-

1-learners-material-in-music-and-art-q1q4

Musika, Art, Physical Education and Health 2

https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/k-to-12-grade-

2-learning-materials-in-mapeh

Para sa mga awitin:

www.youtube.com

Unang Pagsubok

1. C

2. B

3. A

4. A

5. C